Sunday, July 13, 2008
sampung buwan

I miss you tanginang alien!!!

Miss na miss ko ng magsulat dito pero lingid sa kaalaman ng iba dito talaga ako gumagawa ng entry tapos nililipat ko na lang sa kokeymonster.com. Mas kumportable akong magsulat dito.

Marami akong alala dito sa blog na to. Ang kauna-unahang entry ko na binura ko din agad dahil masyadong madrama. Kinailangan ko lang ilabas kung ano ang nararamdaman ko noon. Unti unti nakilala tong blog na to. Wala talaga akong balak makilala sa pamamagitan ng pagbablog. Masaya na ako dati na naisusulat ko ang sinisigaw ng isip at damdamin ko. Nakadisable yung comment section dati pero dahil maraming gustong magkomento binuksan ko na rin para sa publiko.

Namimiss ko ang magblog dito. Hindi ko rin alam kung meron pa rin nagbabasa nito. Baka kinalimutan na rin to ng mga tao. Nilulumot na nga eh. Kawawang blog. Pero kailangan talagang iwan ang isang bagay na naging mahalaga na sayo para sa pagbabago.

Kung ikukumpara mas masaya ako dati nung dito pa ako nagpopost ng entry. Wala kase akong inintindi dati. Lahat naisusulat ko. Wala akong iniisipina kung sinong pontio pilato ang kelangan kong pasiyahin. Nagbago na ko. Nagbago na rin paraan ng pagsusulat ko. Bihira (hindi) na rin akong gumawa ng horny post na kung saan ako nakilala.. Ibang iba na ang mundo ng blogosperyo para sakin. Miss ko na yung dating mundo kong kinagagalawan.

10 buwan na akong nagbablog bukas. matagal na rin. marami na rin akong nakilala at naging kaibigan. Nakakilala ko rin ang babaeng magpaptibok ng puso ko at mamahalin ng lubos. Miss ko na ang dati pero kung magkukulong ako sa nakaraan hindi ako aasenso, nilisan ko ang blog na to pero hindi ko to makakalimutan dahil marami masasayang alalang binigay sakin nitong tanginang alien na to.

10 Tangina Mo!





Sunday, April 06, 2008

ANAWNSMENT

susme! lumipat na po ko.. kahit pagbabalibaligtarin nyo ang earth hindi na ako babalik dito. hehehe.. Sosyal na ko! DOTCOMista na ako! yeah baby! kung mapapadalaw man kayo dito gusto kong ipaalam na nasa KOKEYMONSTER.COM na po ako! :P


Thursday, March 20, 2008

dahil wala ng Ear Drama

Binura ko na po yung isa kong blog ang Ear Drama. Ang blog ko para sa mga chever na memes at tags churvaloo.. So yeah! dito na lang ako magpopost ng mga tags ek ek para naman magkaroon na buhay tong TANGINANG ALIEN.

Nitag ako ni Mama Sam so yeah. eto na.

how will you seriously answer someone in the following situations given?

what if someone (a stranger) insults youor tells you this...

01. ang arte mo!

+ gago ka pala eh.

02. mas matalino naman ako sayo!

+ hindi lahat nakukuha sa talino. Matalino ka nga panget ka naman.. boo!

03. crush ako ng crush mo?

+ okay

04. ang bobo mo pala sa math!

+ kaya nga narsing kinuha ko kase takot ako sa math pero hindi ako bobo.. ulul!

05. bilisan mo naman!

+ *kakanta ng slow

06. ang sungit mo!

+ *dedma

07. gusto mo ng away?

+ Patayan gusto mo?

08. takot ka ata sakin eh?

+ may phobia talaga ako sa daga.

09. mas mahal niya ko!

+ Pake ko.

10. ang bababa naman ng mga grades mo!

+ Gusto mo isampal ko sa pagmumukha mo ang mga grades ko. Taena nito.



what if sinabi ito sa'yo ng crush mo?

01. crush kita.
+ okay.

02. hindi kita mahal.
+ sinabi ko bang mahal kita?

03. mahal na kita.
+ weh? kiss mo nga ko kung lab mo ko

04. pakopya naman ng assignment.
+ err. yoko nga.. pilitin mo muna ako..

05. crush ko un friend mo
+ wala kang taste!

06. pwedeng patabi sa upuan?
+ mas malambot ako kesa sa upuan. kandungin na lang kita.

07. pwede mo ba akong isayaw?
+ magaling ako sumayaw pero hindi lang ako magaling sumayaw magaling din akong (censored)

08. feeling ko may gusto ka sakin.
+ Meron nga.

09. ang cute mong mag-smile.
+ close up modelmodelan kase ako

10. bakit ang bait mo sakin?
+ mabait naman talaga ako.. pero mas mabait ako sa taong gusto ko.. pwedeng manligaw? ayiiihii

BAWAL NA MAGCOMMENT DITO! bisitahin nyo na lang yung site ko KOKEY MONSTER

tag ko lahat ng gustong sumagot nito..wokey! :D

Labels:


Friday, March 14, 2008

KOKEYMONSTER


Eto na ang tamang panahon para iwan ang blog na ito at lumipat sa bago kong bahay.

KOKEYMONSTER
ang kokey ng ina mo...
(dabol yu dabol yu dabol yu dat kokeymonster dat kom)


Saturday, March 08, 2008

Bente


BARTDEI KO NA! BENTE NA AKO! Dahil naging parte na kayo ng buhay ko nais kong ipaalam ang susunod na yugto ng pagiging blogista ko...


PS. MARCH 8 po ang bday ko.. March 14 ilalaunch ang datkom ko sabay ng ika-anim na buwan ko dito sa blogosperyo...


Labels:

39 Tangina Mo!





Monday, March 03, 2008

Paglaki ko, Gusto kong maging....

Pangarap ko nung bata ako na maging isang Bombero. Tingin ko cool yun! Isang bombero na may powers na kalabanin ang apoy tulad ng isang superhero. Isa pa mahilig akong maglaro dati ng posporo. Kung naging Bombero ako I'll be the hottest fireman on Earth, Literal kase matutusta ako. Karamihan sa mga batang lalaki pangarap na maging Pulis o kaya Sundalo ako lang naiba, Gusto kong maging bombero kase ayokong mabaril/mamatay sa sagupaan ngunit nalaman ko na hindi pala immortal ang mga Bombero at kung mamalasin ka matratrap ka sa apoy, at lalabas ang mga sebo sa lahat ng parte ng katawan mo, magiging barbecue at magmumukhang tutong. Ayun inayawan ko na ang pagiging Bombero. Mahal ko ang buhay ko ayokong mamatay. Mas mabuti pang mabaril na lang kesa matusta ang katawan.

May nakita ako sa isang pahina ng librong binubuklat ko nung mga Grade 2 ako. Syempre hindi Kamasutra yung librong yun pero tulad ng kamasutra educational din yung aklat na yun. Nakita ko sa piktyur isang lalaking nasa outerspace. COOL! Nalaman ko na Astronaut pala ang tawag dun, sila ang mga nilalang nagtratrabaho para makapamasyal sa awterspeys tas makakatanggap ng bilyong dolyar na sweldo. Pinangarap kong maging isang Astronaut dahil naniniwala akong kwentong kutsero lang na bilog ang mundo, gusto kong mapatunayan ito, gusto kong ako mismo ang makakita at magconclude na totoong bilog talaga ang earth. Ngunit di naglaon nakapanood ako ng pelikula na lahat ng Astronaut namatay (hindi ito armaggedon), dahil love ko ang aking life o sa madaling sabi duwag ako inayawan ko na naman ang pagiging Astronaut.

Kras ko si Camille Prats nung supot pa akong bata, kasabay ko syang lumaki mula sa ANG TV hanggang sa magpose ito sa FHM noong February 2006. Dahil sa kanya naging paborito kong sitcom ang Oki Doki Doc, Ayun nakita ko na cool ang trabaho ni Doc Aga kaya ginusto ko na namang maging Beterinaryo hanggang sa kagatin ako ng aso, Natakot na ako sa animals kaya ayoko ng maging Vet.

Gusto ko rin maging Abogagodo nung Grade 6 ako, kayang kaya ko raw yun kase MAUTAK may utak daw ako, Naniwala ako sa kanila pero noong Highschool na ko pakiramdam ko nasinungaling sila sa akin. Frustrated Priest din ako. Gusto ko rin maging Documentarista sa National Geographic. Pero nung malapit na akong magcollege bigla nagulo ang utak ko (Naalala nyo pa ba ang entry ko na ITO?)

Sabi ng Tatay ko magnars na lang daw ako, sabe naman ng utol ko Medtech na lang daw. Dahil di naman ako sigurado kung anong gusto kong gawin sa buhay ko Sinunod ko si Tatay ayun kinuha ko ang Kursong Bi-Es-EN. Enjoy naman pero nung malaman ko na kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko di na ko makaatras kase malapit na rin naman akong grumadweyt. Isang taon na lang, Malapit na... Sana.. Pero yung isang taon na yun parang sampung milyong dekada pa.

Para akong nakakulong sa isang sitwasyon at pinapapili kung ano ang susundin ko; Kung yung gusto ko o kung yung gusto ng pamilya ko para sakin. Sa ngayon paninindigan ko na lang muna kung ano tong pinasok ko ipapapatuloy ko na lang to, babalewalain ko na lang muna kung ano ang gusto ko. Pamilya muna, saka na ako. Pero sa totoo lang di ko nakikita ang sarili ko na magtratrabaho sa ospital, mas napipicture ko pa na magiging bayaran ako at magiging Tambayan ko ang Quezon City Circle.

Nakakatawa na lahat ng pangarap ko hindi natupad o hindi ko tinupad, naduwag ako. Pero sana balang araw matupad ko na kung ano man ang pangarap ko ngayon. Tiis muna pero balang araw aabutin din kita, sandali na lang.. Malapit na.. Sana.

PS. Fire Prevention Month ngayong buwan na to dito sa Pinas. Mag ingat sa palalaro ng Apoy. Happy Bday na rin sa mga blogger magbeberdey ng March; Tulad ni Greenpinoy,PB, Kingdaddyrich, GWAPO, Holy Kamote, Abad , Kuya Redlan, Kuya Ced, Gasoline Dude , Kaya pala mainitin/malilibog tayong nilalang kase Pinanganak tayo sa buwan na Pinagiingat sa apoy ang mga mamamayan.. :D

Labels: ,

55 Tangina Mo!




Burned Feeds for alienferbert